Tuesday, June 12, 2007

kalayaan

kalayaan sa trabaho.isang araw walang pasok.nilipat ni gloring ang holiday sa hunyo 11 sa halip na hunyo 12.

kalayaan sa pamasahe.libre ang pamasahe sa LRT at MRT.tamang desisyon ang ginawa ko kanina na sumakay sa LRT at MRT di sa FX.libre sumakay simula alas-siyete at alas-nuebe ng umaga.

kalayaan sa gutom at umay.dahil umay na umay na ako sa mga karenderia at turo-turo kumain ako ng palabok sa tropical hut.sulit ang binayad ko.ang sarap kahit sa fastfood lang.

kalayaan sa pagkainip.nakachat ko ang isang kaibigan sa elementarya na matagal ko nang di nakikita.may asawa na pala siya at limang buwan na lang isa na siyang ganap na ama.ako rin kaya kailan?

kalayaan sa pagliwaliw.napuntahan ko ang bagong mall sa north edsa nung lunes,ang trinoma mall.mukhang ginaya sa glorietta ang layout at design.di naman kataka-taka isa siyang sanga ng mga ayala malls.

kalayaang mabuhay ng tahimik at payapa.kalayaang matupad ang mga pangarap.kalayaang tungo sa kaligayahan.maligayang kalayaan sa lahat ng mga pilipino.mabuhay tayong lahat!

0 comments: